Chapter 20
Chapter 20
“ANAK naman, birthday mo ngayon.” Pumiyok ang boses ng ina ni Holly. “That’s something your dad
and I will always remember. Because that was the very day that I gave birth to the two most beautiful
girls I’ve ever seen in my whole life. Hindi namin malilimutan ang ganoon kaimportanteng araw.”
“Talaga?” Napahugot ng malalim na hininga si Holly. “Pero bakit pakiramdam ko, naaalala nyo lang ang
mga bagay tungkol sa akin pero ako mismo, kinalimutan nyo?” Hindi niya na napigilan ang pagragasa
ng mga emosyon. Birthday niya ngayon. Kahit sa araw lang na iyon, pakakawalan niya ang lahat ng
nararamdaman.
“Araw-araw, tatlo tayo dito pero pakiramdam ko, nag-iisa pa rin ako. Ni hindi ko kaya maabot kahit na
anong gawin ko. Ang layo-layo nyo. Bakit naman gano’n, mommy? Ano bang kasalanan ko sa inyo ni
daddy? Para maayos ko. Hindi nyo naman sinasabi kaya hindi ko maintindihan.
Nang magdesisyon kayo na pumuntang England, gusto kong sumama. A part of me wanted to
understand your reasons but there’s also a part of me that couldn’t help but be hurt. Dalawa kayo roon.
Pero ako, mag-isa lang dito. I couldn’t even stop you from leaving when both of you seemed so eager
to walk away from me, to put a distance between us.” Pumatak ang mga luha ni Holly. “Mom, dad, ano
bang nagawa ko? Sabihin nyo naman, please. Para makabawi ako.”
Nagulat si Holly nang ibaba ng ina sa buhanginan ang dalang cake. Bigla na lang siya nitong sinugod
ng yakap. Napahikbi siya. She had missed her mother’s embrace. “Alam ko, marami na akong sablay
bilang anak. Pero aayusin ko ‘to, mommy. Pangako-“
“Ssh.” Napahagulgol ang ina. “I’m so sorry, Holly. We left because we were so guilty about Hailey’s
death. Pakiramdam namin, hindi kami naging mabuting magulang sa kakambal mo. Ni hindi namin
alam na may sakit siya noon. She suffered all by herself. Pakiramdam namin, napakawalang kwenta
naming mga magulang. Hindi pa kami nakakabawi ng husto sa kanya nang kunin siya ng Diyos. Wala
kang kasalanan, anak.”
Bahagyang lumayo kay Holly ang ina. Hinaplos nito ang kanyang mga pisngi. “We just couldn’t look at
you without remembering Hailey, without being hurt, without feeling guilty and without feeling that we
failed her. You remind us about our failure. Kinailangan naming lumayo pansamantala dahil
naramdaman naming sumasama na ang loob mo. Natakot kaming mas magkasakitan lang tayo kapag
nagsama-sama tayo. Our only mistake was that we didn’t explain our side to you. Because you were
right, we were so eager to escape, to run away.
And when we left you, we failed as parents again.” Lumuha ang ina. “Ang akala namin,
masosolusyonan ng pag-alis namin pansamantala ang lahat pero nagkamali kami. Lalo lang lumala at
naging komplikado ang mga bagay. Patawarin mo kami, anak. Naging makasarili kami.”
“I’m sorry, too about what I said and did, princess. Patawarin mo si daddy.” Wika naman ni Alfar na
inabot ang palad ni Holly. Namamasa na rin ang mga mata nito. “Naiintindihan ko naman ang mga
dahilan ni Aleron. Kinausap kami ni Lucia, ang kanyang ina, noong unconscious pa kayo pareho ni
Aleron sa ospital. Humingi siya ng tawad at ipinaliwanag ang lahat sa amin.”
Napasinghap si Holly. Hindi nabanggit sa kanya ni Nick ang bagay na iyon.
“Pero natakot akong tanggapin muli si Aleron. Dahil sobra-sobra ka kung magmahal. At dahil sa
pagmamahal mo sa iisang tao, ilang beses kang nasaktan. Natakot ako dahil ikaw na lang ang
mayroon kami ng mommy mo. The moment I heard that you were shot, my instinct was to take you
away from Aleron immediately. Nawalan na kami at hanggang ngayon, dala-dala namin ng mommy mo
ang sakit na dulot niyon. We couldn’t take another loss, Holly. We won’t survive it. Kapag may nangyari
uli sa ’yo, hindi na namin alam ng mommy mo kung anong gagawin. Iyong mga nasabi ko sa ospital,
dala lang ‘yon ng pag-aalala ko.”
Pareho sila ng ina na ikinulong ni Alfar sa mga braso nito. “When we all came here, we were at loss.
Again. Dumistansya uli kami. I’m sorry that we came back to our senses a little too late. Parati kitang
nakikita. But I kept seeing Hailey in you that’s why I couldn’t look at you. But today, while you were
standing here, I saw you-for the first time after a long while. I finally saw Holly.” Ngumiti si Alfar. “I saw
you and it doesn’t hurt like it did before. Nakita kita at kasabay niyon, nakakita ako ng pag-asa. It took a
while but at least, hope showed finally. Mahal kita, Holly. And daddy is sorry.”
Gumanti ng mas mahigpit na yakap si Holly sa mga magulang. Wala ng karagdagan pang kailangang
sabihin. Nauunawaaan niya na. At ngayon ay tanggap niya na. Her parents had their shortcomings but
then again, so was she. Hindi rin maiiwasan sa pamilya ang humantong sa ganoong sitwasyon. Pero
alam niyang sa pagkakataong iyon ay mas matibay na sila kaysa sa dati. Dahil hindi birong unos ang
nalampasan nila. At higit pa roon ay may natatanaw na pag-asa hindi lang ang daddy niya kundi pati
sila ng ina. Pag-asa. Malaking bagay iyon para sa kanila.
“I’m sorry too, mommy and daddy. I love you both so much.”
“Si Aleron, mahal mo ba talaga siya, anak?” Ani Alfar na bahagyang bumitaw kay Holly.
Sunod-sunod na napatango siya. “Yes, dad. Sobra.”
Ilang sandaling pinakatitigan siya ng kanyang ama bago ito bumuntong-hininga. “Ipapakabit ko na ang
linya ng telepono. Call him and tell him to meet with me sooner before I change my mind.”
Sa pagkakataong iyon ay si Holly na ang sumugod ng yakap sa ama. “Maraming salamat, daddy! You
don’t know how much this means to me-“
“Ma’am! Sir!” Agad na naputol ang mga sasabihin pa sana ni Holly nang bigla na lang humahangos na
dumating ang isa sa mga kasambahay nila. “May gwapong nananawagan po para kay ma’am Holly sa
TV!”
KUSANG gumuhit ang sinserong ngiti sa mga labi ni Aleron habang pinapanood ang ina na mukhang
natataranta sa pagbi-bake sa kusina. Niluwagan niya ang suot na kurbata at sumandal sa hamba ng
kusina.
Iyon ang isa sa mga naalala niyang pangarap ni Athan noong bata pa ito: ang makitang nagluluto ang
ina at ang matikman ang mga luto nito. Hindi man iyon magagawa pang tikman ng ama niya o ni Athan
ay alam niya na saan man naroroon ang mga ito ay masaya ang mga ito.
Matapos niyang ma-discharge sa ospital may apat na bwan na ang nakararaan ay ang ina ang
nakiusap na samahan at alagaan siya. Nang kahit paano ay nagagawa niya nang makakilos ng
maayos ay nagpaalam na ang ina pero pinigilan niya ito at inalok na manatili na lang sa mansyon.
Tunay ngang malaki ang ipinagbago nito. Nag-enroll ito sa isang cooking class at ilang linggo na
siyang nakakatikim ng mga masasarap na inihahain nito.
Naalala niya rin ang matinding pagkailang ng ina nang malaman nitong sa balkonahe siya natutulog
dahil sa mga naiwang marka ng mga karelasyon nito sa buong mansyon. Sinamahan siya nito sa
balkonahe matulog sa loob ng tatlong bwan. Wala itong reklamo. Araw-araw ay humihingi ito ng tawad.
At alam niya, sa puso niya na napatawad niya na ito. Iyon lang naman ang hinihintay ng puso niyang
sabik rin sa ina. Kaya sa kalaunan ay isinuko niya na rin ang dating mansyon nila at tuluyang iniwan
ang bakas ng kahapon roon.
Lumipat sila sa bahay na plano niya sanang iregalo noon kay Holly noong kasal nila. Doon sila bumuo
ng mga bagong alaala ng ina, mga alaalang sa pagkakataong iyon ay masaya niyang babaunin parati
sa puso niya.
Ayon rito ay na-realized lang nito ang mga pagkukulang nito noong huling pag-uusap nila. Katibayan
roon ang hindi nito pag-withdraw ng tseke na ipinaabot niya rito sa pamamagitan ng sekretarya niya
noon. Pinilit umano nitong baguhin ang buhay nito. Umalis ito sa pinapasukang bar at iniwan si
Romulo. Pero hindi matanggap ni Romulo ang paghihiwalay ng mga ito kaya parati umano itong
ginugulo. Nang idemanda nito ng harassment ang lalaki may isang bwan na bago ang nangyaring
insidente sa sementeryo ay doon lalong nagalit si Romulo kaya siya daw ang binalingan lalo na at
kilala siya nito.
“Anak, kanina ka pa ba dyan?” Ani Lucia nang sa wakas ay mapuna ang presensiya ni Aleron.
Anak. Sa tuwing naririnig niya iyon mula mismo sa mga labi ng ina ay naroroon pa rin ang hindi niya
maiwasang init na pumapasok sa puso niya. Tumango siya sa ina. Gumanti ito ng ngiti na agad ring
naglaho nang bumalik ang mga mata nito sa niluluto nito.
“Iyong mga sinabi mong paboritong pagkain ni Holly, wala ng problema doon, anak. Na-master ko na
‘yon.” Nilingon siya ng ina at kinindatan. “Pero ‘yong mga sinabi mong paboritong pagkain ng mga
magulang niya, patay tayo doon, anak. Iyon ang problema. Mga foreign dishes pala ang mga iyon. Ni
hindi ko ma-pronounced dahil nakakabulol. Mukhang kakailanganin ko pang bumalik sa cooking class
ko. Ayoko pa naman na sana.” Kumunot ang noo nito. “Ang istrikto pa naman ng nagtuturo. Parati
akong pinag-iinitan.”
Natawa si Aleron. “You just have to be you, ‘ma. Sapat na ‘yon. Lejardes’ are really nice people. Hindi
mo kailangang mag-alala sa kanila. Anumang ihain mo, tatanggapin nila.”
“Maraming salamat, anak. Maraming salamat sa pagtanggap mo sa akin sa kabila ng lahat.” Gaya ng
dati ay emosyonal na naman ang ina. Niyakap siya nito. “Habang-buhay kong ipagpapasalamat ang
pagkakataong ito, Aleron.”
Gumanti ng yakap si Aleron sa ina. Marahang tinapik-tapik niya ang likod nito. “Hawak ng Diyos ang
plot sa bawat kwento ng tao. Pero tayo pa rin ang sumusulat nito, iyon ang gusto kong paniwalaan.
And as writers, we have the power, Aleron. Maaring hindi natin kontrolado ang ilang pangyayari pero
may sarili pa rin tayong mga panulat. Nasa mga kamay pa rin natin kung ano ang isusulat. Depende pa noveldrama
rin sa atin ang magiging takbo ng lahat. That’s why every person is responsible for his story. Kung
paano mo man ito gustong isulat, malungkot o masaya, nasa sa ’yo ‘yon.” Naalala niyang wika ni Holly
noong magkasama pa sila.
Sadyang napakalaki ng epekto sa kanya ni Holly. Binago nito ang buhay niya. Iniba nito ang kwento
niya. Dahil sa dalaga, unti-unti ay naisusulat niya ng mas maayos ang lahat. Ikaw na lang ang kulang,
Holly.
How he missed his girl. Alam niya kung saan ito matatagpuan. Ipinahanap niya ito at ang mga
magulang nito para makampante ang loob niya. Sa ngayon ay basbas na lang ng mga magulang ni
Holly ang hinihintay niya. Ilang ulit niyang pinuntahan si Holly sa Laguna pero matindi ang ginawang
pagharang sa kanya ng mga gwardya roon. Nanggaling na rin siya ng araw na iyon sa kilala niyang
may-ari ng broadcasting company at lakas-loob na nanawagan sa national television. Ideya iyon ng
kanyang ina na dahil desperado ay siya ngang sinunod niya.
Napabuntong-hininga si Aleron. Bawat segundong hindi niya nakakasama si Holly ay daig niya pa ang
isang ibon na tinanggalan ng mga pakpak. Napatingala siya. Lord, isa na lang naman ang hiling ko.
Ibigay nyo na ‘to sa akin, please. I won’t mess up again, I promise.
“I AM Aleron Williams, a simple man who fell hopelessly in love with a very wonderful woman. Her
name is Holly Lejarde. It was my first time to love. At gaya ng mga taong unang beses sumubok sa
gano’ng aspeto, sumablay ako. Iyon ang dahilan kung bakit hindi kami magkasama ni Holly ngayon.
Kaya nananawagan po ako kay Holly at sa lahat ng mga Lejarde. Please give me a chance, this one
last chance. Nakahanda po akong gawin ang lahat ng gusto nyo. Just please, don’t ask me to let go of
Holly. I can’t. And I don’t think I can ever do that. Natawa si Holly nang maglaro sa isip ang napanood
na panawagang iyon ni Aleron sa telebisyon dalawang araw na ang nakararaan. Nag-iwan pa ito ng
contact number. At noong nagdaang gabi matapos nilang makabalik sa Maynila ng mga magulang ay
ang ama niya na ang mismong tumawag kay Aleron.
Napakapribadong tao ng binata at hindi niya inakalang hahantong ito sa ganoon. She felt a tinge of
pride for her man. Nakatakda silang magkita sa kanilang mansyon ng gabing iyon. Pero bago iyon ay
nagpasama na muna si Holly kay Mang Dante sa simbahan kung saan sila dapat ikakasal noon ni
Aleron. Malaki ang papel na ginampanan ng simbahang iyon sa buhay niya. At gusto niyang bumalik
roon na wala ng sama ng loob sa pagkakataong iyon.
Kapaparada pa lang ni Mang Dante ng sasakyan nang may panibagong sasakyang huminto roon.
Kumabog ang dibdib ni Holly. Pamilyar sa kanya ang itim na sports car na iyon. Lalo pang lumakas ang
kabog ng dibdib niya nang lumabas ang isang lalaki mula roon. Mabilis na napalabas rin si Holly.
Nagtama ang mga mata nila ng binata. God… napangiti si Holly. Sa wakas ay nagtagpo rin silang
dalawa sa simbahang iyon eksaktong isang taon mula nang maudlot ang kanilang kasal.
“My knees are suddenly shaking. Please come here right now.” Nangingiting wika niya. Hindi na siya
nagdalawang-salita. Mabilis na tinawid ni Aleron ang distansya sa pagitan nila. Agad siya nitong
ipinaloob sa mapagpalang mga bisig nito.
“I love you. I love you. I love you.” Paulit-ulit na bulong ng binata.
Natawa si Holly sa kabila ng pamamasa ng mga mata. “And I love you, too.”
“I’m glad I came here. Nakita kita ng mas maaga.” Idinikit ni Aleron ang noo sa noo ni Holly. “I’ve
missed you every single second. Tinupad ko ‘yong gusto mo. My mom and I finally reunited. Binigyan
ko siya ng chance. She’s staying with me now and-“
Hindi na nakatiis na inabot ni Holly ang mga labi ni Aleron at hinagkan ang mga iyon. Dininig ng Diyos
ang dasal niya. Higit pa nga roon kung tutuusin. Dahil pati ang pagkakataong iyon ay iniregalo Nito
para sa kanila. Isang napakalaking bagay ang natutunan niya sa relasyon nila ni Aleron. Iyon ang
kahalagahan ng tamang panahon. Tamang panahon para sa paglimot, para sa pagpapatawad at para
sa pagmamahal. At ngayon na ang kanilang tamang panahon. Kuntentong ipinikit niya ang mga mata.
Aleron was kissing her like he was taking all the time in the world, na para bang iisa sila ng iniisip, na
para bang alam nito na iyon na ang oras nila. Nang maghiwalay ang mga labi nila ay magkahawak-
kamay na pumasok sila sa simbahan. Magkatabi silang naupo sa unang hilera roon. May kinse minuto
pa bago magsimula ang misa kaya mangilan-ngilan pa lang ang tao roon. Inihilig niya ang ulo sa
balikat ng binata.
“Apat na anak ang gusto ko para marami, para masaya.” Parang nangangarap na wika ni Holly.
“Ano pa?”
“Kada summer, pupunta tayo sa isla. Iyong pangalan ng magiging unang anak natin ang ipapangalan
natin roon. Pero saka na natin iyon isipin.”
“Ano pa?”
“Iyong pangako mong mga libro sa akin, ha? Isu-surrender ko na ‘yong mga books ko bukas.”
“Ano pa?”
“Kailangang may pirma ng mga nagsulat ang mga iyon. Sasamahan mo akong magpa-sign, ha?”
“Ano pa?”
Nangingiting nag-angat si Holly ng mukha at humarap kay Aleron. “Next time na ‘yong iba. I’m too
happy that I can’t think properly right now. Ikaw? Wala ka bang demand?”
“Wala na. Kasama na kasi kita. Lahat ng gusto mo, gagawin natin. Gaya nga ng sinabi ko dati, if you
want a house filled with books, sige lang. Basta may espasyo pa para sa ating dalawa, walang
problema. Ikaw ang masusunod, commandress.” Kinindatan siya nito. “Kaya bahala ka na sa akin.”
Natawa si Holly. “Kung ganyan ba naman ang sasabihin mo kay daddy, wala ring magiging problema
mamaya.”
What do you think?
Total Responses: 0