Once Upon A Time

Chapter 1



Chapter 1

“BABY, you can forget everything. But please,” Pabirong kumindat si Selena. “Don’t ever forget that you

love me.”

I didn’t. And I never will. Ikaw ang nakalimot, mahal. Bulong ng puso ni Dean habang pinagmamasdan

ang pagrehistro ng matinding pagkadismaya sa magandang mukha ng asawa nang dalawin niya ito sa

hospital room nito. Malinaw na hindi siya ang inaasahan nitong makita.

Sandaling napahinto si Dean sa paghakbang palapit kay Selena. Pakiramdam niya ay may daan-

daang patalim na tumatarak sa puso niya nang mga sandaling iyon. Napakalapit lang ng asawa. Abot-

tanaw niya. Abot-kamay niya. Pero hindi niya pwedeng abutin. Hindi niya pwedeng yakapin. Ni hindi

niya ito mahawakan sa takot na kumawala ang gahibla na lang na kontrol niya sa sarili at hindi na ito

mapakawalan pa.

Nag-alis si Dean ng bara sa lalamunan bago niya nagawang magsalita. “I’m sorry if I’m not the one

you’re expecting, Selena.”

“Silly,” Ngumiti si Selena. Isinenyas nito ang couch hindi kalayuan sa kama nito. “Maupo ka na muna.

It’s been a while, Dean.” Sandali itong napasulyap sa kalong niyang sanggol. “Kamusta ka na?”

‘Still alive. But every part of me feels dead. Buhay na patay. Ganoong-ganoon ako ngayon. Gustong-

gusto kitang yakapin. Gusto kong humugot ng lakas sa ’yo. Kasi Selena… ubos na ubos na ako. How

he wished he could say those words. Pero ang mga bagay na iyon ay mananatili na lang sa isipan

niya. “I’m… fine. Ikaw, kamusta ka na?”

Ilang sandaling kumunot ang noo ni Selena. Pinakatitigan nito si Dean na para bang pilit na binabasa

ang nilalaman ng isipan niya bago ito muling ngumiti. “Strange. Now that I see you, I feel like I’ve really

missed a lot of things. Frankly, hanggang ngayon ay nahihirapan akong maniwala sa sinasabi nilang

may amnesia ako. Everything just feels… the same. Except for the date, of course.

“Pero nang makita kita at ang bata, ngayon na ako naniwala.” Sa halip ay gulat na sagot ni Selena.

“May anak ka na pala? And don’t you dare lie to me. The baby looks exactly just like you, Dean.” Muli

itong napatitig sa kalong niyang sanggol. “Kinuha mo man lang ba akong ninang niya? Magtatampo

ako kapag nalaman kong hindi. Para namang wala tayong pinagsamahan kung gano’n.”

Gustong matawa ni Dean sa mga naririnig. Iyon mismong ina ng anak ko, tinatanong ako kung kinuha

ko daw ba siyang ninang nang binyagan ang anak ko. Good Lord, what have I done wrong? Bakit ba

ang lupit ng mundo sa isang tulad niya? Anong klaseng parusa ba ito?

Bigla ay gusto ni Dean na ikumpisal na ang lahat… kung hindi niya lang nakikita ang mga bantay ni

Selena na nakasilip sa kanya sa pinto ng kwarto na para bang sinisiguro na tutupad siya sa usapan, sa

lintik na usapan nila ng mga amo ng mga ito.

“Come here.” Tinapik ni Selena ang espasyo sa tabi nito sa kama nito. “Ipakita mo naman siya sa akin

ng husto. He’s such a handsome little boy. Anong pangalan niya? And where is his mother? Bakit hindi noveldrama

mo siya isinamang dumalaw rito?”

“His name is Elijah.” Our Elijah. Ikaw mismo ang nagbigay ng pangalan sa kanya, mahal. “His mother?

Well… she woke up one day and found her heart beating for someone else.” Mapaklang wika ni Dean

kasabay nang paglapit kay Selena. Pero hindi siya lumapit ng husto rito. Isa iyong sugal na hindi niya

alam kung magagawa niyang panindigan pagkatapos.

Sa stool sa tabi ng kama ng asawa naupo si Dean. Narinig niya ang pagsinghap nito. Nagsisikip ang

dibdib na ibinaling niya na lang ang atensyon sa anak… sa natitira niyang anak.

Nahuli ni Dean ang sanggol na nakatitig rin sa kanya. Pakiramdam niya ay nakatitig siya sa sariling

repleksiyon sa salamin. Because he felt as vulnerable as his son. Bukod pa roon ay hindi

maitatangging kamukhang-kamukha niya ito. Hangga’t maari ay pinipilit niyang magpakatatag para sa

anak pero sa mga ganitong pagkakataon na nakakaharap niya ang ina nito, lahat ng sakit, pigilan niya

man ay sabay-sabay na bumabalik.

Nang ngumiti ang sanggol ay nag-ulap ang mga mata ni Dean. Naalala niya noong mga panahong

kinukwentuhan ni Selena ng fairytale ang kanilang kambal sa tuwing matutulog na ang mga ito. Matipid

na napangiti siya. “Do you want daddy to tell you a story, son?”

Muling ngumiti ang sanggol.

“All right. Here it goes. Once upon a time, there lived a beautiful princess who fell in love with the

prince’s subordinate.” Bumalik ang mga mata ni Dean kay Selena na nahuli niyang nakatitig rin sa

kanya. “And together, they lived happily… but only for a while. The end.”

Umawang ang mga labi ni Selena. “Prinsesa na na-in love sa isang tagasunod ng prinsipe? Dean, are

you aware that you are changing the story?”

Napatango-tango si Dean. “Siguro nga. Pero hindi naman kasi isang fairytale ang kinukwento ko sa

anak ko, Selena. It’s the story between me and his mother that took place once upon a time.” And God,

how I wish I could go back to that once upon a time.

Chapter One

“I KNEW it. Bakit ba ako umasa-asa pa?” Gumuhit ang mapait na ngiti sa mga labi ni Selena habang

pinagmamasdan ang mga kandila sa kanyang harapan. Halos wala na rin siyang ipinagkaiba sa mga

kandilang iyon. Dahil upos na upos na rin ang pakiramdam niya nang mga sandaling iyon. “Great.

Happy birthday, Selena.”

Lumapit si Selena sa mga kandila at hinipan na ang mga iyon bago pa tuluyang matunaw. Napatitig

siya sa malamig nang mga pagkain na pinaghirapan niyang ihanda para sa espesyal na gabing iyon.

Siya ang may kaarawan pero siya itong nagpakapagod para gawin ang lahat ng iyon samantalang

kung tutuusin ay nakahanda ang mga magulang niya sa kanilang mansyon na bigyan siya ng isang

engrandeng selebrasyon na tinanggihan niya.

Dahil iisang tao lang ang gusto ni Selena na makasama para i-celebrate ang bahaging iyon ng buhay

niya. At gusto niyang patunayan sa taong iyon na may kapasidad rin siyang maging isang mabuting

asawa, na karapat-dapat din siya para rito kaya niya inihanda ang mga iyon.

Kung malalaman lang siguro ng mga magulang o mga kakilala niya ang pinagdaraanan niya ay

siguradong mabibigla ang mga ito. Dahil siya si Selena Avila. Walang sinumang mag-iisip na may nag-

iisang tao sa mundo na kayang tanggihan ang tulad niya.

Nang mag-ring ang cell phone ni Selena ay nagmamadaling inabot niya iyon para lang sa huli ay

madismaya nang makitang ang kanyang ina ang tumatawag. Hindi niya iyon sinagot. Sigurado siyang

mag-uusisa lang ito at mapipilitan na naman siyang magtahi ng kasinungalingan para lang

mapagtakpan ang mga kakulangan ni Adam.

At napapagod na siyang gawin iyon… lalo pa ngayon.

“Adam, birthday ko ngayon. Gaano kahirap ba para sa ‘yo ang i-prioritize ako kahit minsan lang? Kahit

ilang oras lang? I’m your fiancée, for crying out loud!” Naghihinanakit na inabot ni Selena ang flower

vase sa harap niya at inihagis iyon. Sa isang iglap ay nagkabasag-basag iyon gaya mismo ng

nangyayari sa puso niya.

Isinubsob niya ang ulo sa mesa para lang agad ring maiangat iyon nang marinig niya ang pagtunog ng

doorbell. Sumibol ang pag-asa sa puso niya. Mabilis na tumayo si Selena pagkatapos ay inayos ang

sarili bago siya lumabas ng bahay niya. Para bang may pakpak ang mga paang nagpunta siya sa gate

at nakangiting binuksan iyon. “Adam, thank God you came-“

“Happy birthday, Selena.” Anang baritonong boses na iyon.

Sa isang iglap ay nabura ang ngiti ni Selena nang sa halip na si Adam ay si Dean ang bumungad sa

kanya. Ang huli ang executive assistant ng kanyang fiancé. Ito ang parating ipinadadala ni Adam sa

tuwing hindi ito makakasipot sa date nila. Ito rin ang siyang tumatawag at bumabati sa kanya sa tuwing

may mahahalagang okasyon gaya nang araw na iyon. Ito ang parating sumusundo sa kanya, ang

gumaganap sa dapat sana ay papel ni Adam sa tuwing missing in action ang huli.

Si Dean rin ang siyang naghahatid ng kung anu-anong regalo sa kanya. Ni hindi lubos akalain ni

Selena na pati ang mga ganoong bagay ay isinama na ni Adam sa job description ng isang executive

assistant. Lalong sumama ang loob niya sa naisip.

Nauna na siyang tinawagan ni Dean kaninang umaga. At kadalasan ay malaki ang epekto sa kanya ng

masayahing boses ng binata. Nakakahawa iyon. Pero hindi sa gabing iyon. Kung tutuusin ay halos

mas matagal pang nakakasama ni Selena si Dean at nakakausap kaysa sa sariling boss nito. Halos ito

na ang naging representative ni Adam. Ito ang katibayan ng kawalan ng oras sa kanya ng kanyang

fiancé.

Everybody thought her life was perfect. Pero hindi. Dahil arranged marriage lang ang sa kanila ni

Adam, ang anak ng business partner ng kanyang ama na mula’t sapul, isang nakababatang kapatid

lang ang turing sa kanya.

“What is Adam’s excuse this time?” Napapagod na naitanong ni Selena nang luwagan ang

pagkakabukas ng gate. Tinalikuran niya na ang binata. Dumeretso siya sa hardin. Nanghihinang naupo

siya sa isa sa mga stool roon. Ilang beses na ring nakakarating sa townhouse niya si Dean kaya halos

sanay na ito sa kanya. “Magpapadala rin lang siya ng representative, late pa.” Nag-init ang mga mata

niya sa tumitinding awa sa sarili. “Malamig na ‘yong mga niluto ko.”

Sa ibang pagkakataon siguro ay pwede silang maging magkaibigan dahil mabait rin naman si Dean.

Pero hindi mapilit ni Selena ang sariling kaibiganin ang binata nang hindi nakakaramdam ng awa at

hiya sa kanyang sarili dahil alam nito ang lahat-lahat ng mga inililihim niya sa mga taong nakapaligid sa

kanya. Dean had witnessed her pain countless times before. Na madalas, kahit siya ay hindi na alam

kung paano pa haharapin ang binata.

Hindi kaila kay Dean ang mga pagtatakip na ginagawa ni Selena para kay Adam pero ni minsan, hindi

ito nagsalita tungkol roon sa ibang tao. At kahit paano ay ipinagpapasalamat niya ang bagay na iyon.

Dean was proving to be more considerate than Adam, after all.

“May mahalagang meeting pa si Adam kasama ang representative ng isang automobile manufacturer

kaya pinapunta niya na ako rito. He said he was sorry. Once he managed to bag the distributorship of

the Honda Cars, he promised he will make it up to you.”

Nag-init ang mga mata ni Selena. “So mas mahalaga pa ‘yong meeting na iyon kaysa sa birthday ko?

It’s business. Alam kong hindi dapat sumama ang loob ko. But God… durog na durog na ako. Palagi

na lang mas mahalaga ang kung ano-anong meetings niya kaysa sa akin.”

Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi niya napigilang maglabas ng saloobin. It’s still her birthday,

for crying out loud. Kapag hindi niya inilabas iyon ngayon ay baka bigla na lang siyang sumabog

anumang oras.

Humarap si Selena kay Dean na naabutan niyang nakatayo hindi kalayuan sa kanya. “Umamin ka nga

sa akin, Dean. Is something wrong with me? Hindi ba ako maganda? Bakit parang hirap na hirap si

Adam na magustuhan ako? Selfish ba ako? Kasi ikakasal na nga kami ni Adam, ‘di ba? Makukuha ko

na siya. Magiging akin na siya. Pero heto ako at naghahangad ng higit pa, naghahangad ng

pagmamahal niya. Naghahangad na makuha siya ng buo. Dahil ayoko ng kalahati lang.” Tuluyan nang

pumatak ang mga luha niya. “I don’t want just a marriage contract. I want more. I want love.”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.